P17.9M alok kay Williams; P8.5M naman kay Santos
August 23, 2006 | 12:00am
Tumanggap na ng lukratibong alok ang PBA top draft pick na si Fil-Am Kelly Williams at ang No. 2 pick na si Arwind Santos mula sa Sta. Lucia at Air21 ayon sa pagkakasunod.
Balitang inalok ang forward na si Williams, tubong Detroit Michigan, ng five-year contract na P17.9 million deal.
Sa kabilang dako, ang two-time MVP na si Santos na dating Far Eastern University star ay inalok naman ng P8.5 milyong tatlong taong kontrata.
Kapwa nakapagsimula nang makipag-ensayo sina Williams at Santos sa kani-kanilang teams.
Umaasa rin ang third pick na si Joseph Yeo na kinuha ng Coca-Cola gayundin ang fourth at fifth pick ng San Miguel na sina dating Ateneo star L.A. Tenorio at NCAA 2004 Rookie of the Year at Most Valuable Player Gabby Espinas, na makakakuha rin sila ng magandang offer.
Sina Yeo at Espinas ay parehong nasa ilalim ng player-agent na si William Ong.
Wala pang negosasyong nagaganap dahil kasalukuyan pang nasa Brunie ang mga opisyal ng San Miguel na lumalaban sa Brunie Cup.
Gayunpaman, may limang araw lamang mula noong drafting, ang mga draftees na makapirma ng kontrata sa mga koponang kumuha sa kanila bago maging free-agent.
Ang mga hindi nakatanggap ng offer ay awtomatikong mga free-agents tulad ng mga draft applicants na hindi nakuha noong Linggo.
Ang limang top draft picks ay panauhin sa PBA forum kahapon na lingguhang ginaganap sa Pantalan restaurant sa Luneta at sinabi nilang handa na silang harapin ang mahigpit na hamon sa pro basketball.
"Im ready to play. Im really excited being in the PBA. Im just happy to be part of this, whether Im the No. 1 pick or not," ani Williams na naglaro sa Magnolia Ice Cream sa PBL at kabilang sa PBA national pool ni coach Chot Reyes.
"Sa tingin ko hinog na rin naman ako sa PBA, and I will do whatever it takes para matulungan ko ang team ko," sabi naman ni Santos, na naging ka-teammate ni Williams sa Magnolia Wizards. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am