^

PSN Palaro

Kulang ng sentro ang SSC Stags

-
Kung sa mga nakaraang taon ay naging dominante ang San Sebastian College-Recoletos dahil sa kanilang mga sentro na nagbunga ng limang sunod na kampeonato sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Ito ngayon ang kulang sa Stags sa kanilang nanganganib na kampanya sa 82nd NCAA men’s basketball tournament.

"Actually, ‘yung absence ng dominating center talaga ang naging problema namin this year," pag-amin ni coach Raymond Valenzona. "Hindi kami nagko-control ng rebounding kasi nga kulang talaga kami sa malakas na sentro." 

Bunga nito, nalagay sa balag ng alanganin ang San Sebastian mula sa bitbit nilang 4-8 rekord sa second round ng eliminasyon katulad ng University of Perpetual Help Dalta ng dating coach nitong si Bai Cristobal. 

Sa tsansang makahirit ng isang playoff seat para sa No.4 spot sa Final Four, kailangan ng Stags at ng Altas na maipanalo ang huli nilang dalawang laro kasabay ng pagdarasal na matalo ang Mapua Cardinals, may 6-5 baraha, sa kanilang tatlong laban. 

Noong nakaraang taon, tumipa ang San Sebastian ng 7-7 karta para makapasok sa Final Four kung saan sila tinalo ng Letran, 60-93, patungo sa korona ng Knights.

"Sabi nga sa akin ng daddy ko (Turo Valenzona), parang learning experience na rin ito sa akin since first year ko lang humawak ng seniors team," ani Valenzona. "Pero next year baka i-give up ko na ‘yung sa juniors." 

Si Valenzona ang naghatid sa Staglets sa korona noong nakaraang taon laban sa San Beda Red Cubs. (Russell Cadayona) 

BAI CRISTOBAL

FINAL FOUR

MAPUA CARDINALS

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION

RAYMOND VALENZONA

RUSSELL CADAYONA

SAN BEDA RED CUBS

SAN SEBASTIAN

SAN SEBASTIAN COLLEGE-RECOLETOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with