^

PSN Palaro

Puspusan na ang pagsasanay ni Morales

-
Kitang-kita sa mga larawan nina Filipino ring idol Manny Pacquiao at maalamat na Mexican fighter Erik Morales noong press conference sa Las Vegas, na kapwa wala sa kondisyon ang kanilang mga porma.

Ito ang puna ni Ring Magazine editor-in-chief Nigel Collins.

"Morales sported a gut and an extra chin. I think he is going to be weak at 130 and take another bad beating," ani Collins.

Gayunpaman, sinabi ni Morales na nabawasan na ito ng 7 kilograms sapul nang makipagtrabaho ito sa kanyang mga doktor at eksperto sa Velocity Sports Performance Gym sa Los Angeles at idinagdag ding hindi siya nanghihina.

Ang pasilidad na ito sa Los Angeles, isa sa ilang gyms sa Amerika, ay dinesenyo para tulungan ang mga atletang nagnanais na maging malakas at bumilis. Ayon sa balita, si Morales ay sumasailalim sa 7 nutrition, conditioning at training experts.

Ayon pa sa ulat, masaya si Morales sa resulta at kumpiyansang maaabot niya ang 130 lbs na weight limit sa kanyang rubber match kay Pacquiao sa Nobyembre 18 sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas.

Inihayag din ni Morales mananatili siya sa kamay ng grupo ng mga eksperto sa loob ng isang buwan bago ito magtungo sa Ceremonial Center sa bulubundukin ng Otomi para ituon ang pansin sa kanyang pagsasanay para sa laban kay Pacquiao.

Ito rin ang lugar na pinagsanayan ni Morales sa kanyang unang laban kay Pacquiao na kanyang napagwagian sa pamamagitan ng unanimous decision matapos lumasap ang Pinoy ring idol ng sugat sa mata dahil sa accidental headbutt sa ikalimang round.

Ang diyeta ng Mexicano ay mula alas-6 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon na may tatlong meal bawat araw kaya hindi ito nakakaramdam ng gutom.

"The diet that they have given me is not rigorous," ani Morales. Pero bawal sa kanya ang candies, bread, omelettes,desert at soft drinks.

AYON

CEREMONIAL CENTER

ERIK MORALES

LAS VEGAS

LOS ANGELES

MORALES

NIGEL COLLINS

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with