Realtors kumuha na ng Fil-Am
August 21, 2006 | 12:00am
Kinalimutan ng Sta. Lucia Realty ang kanilang Proud to be Homegrown slogan nang kanilang hugutin ang Fil-Am forward na si Kelly Williams bilang No.1 pick sa 2006 PBA Rookie Draft na ginanap sa Market Market sa Taguig.
Pormal na tinanggap si Williams na naglaro sa Magnolia Ice Cream sa Philippine Basketball League nina coach Alfrancis Chua, team manager Buddy Encarnado at Dennis Espino.
"It feels great, Ill give all I have to the league in offense and in defense," ani Williams na dinala dito sa bansa ni National coach Cot Reyes na magmamando na ngayon ng San Miguel Beer.
"He (Williams) can play almost all positions, very athletic and very coachable. At least natapos na rin makaraan ang mga intriga na dumating days before the draft," sabi naman ni Chua.
Nakuha namang No. 2 pick ang two-tome UAAP MVP na si Arwind Santos ng Air21.
"Sobrang saya, hindi ko inisip na mag-No. 1 ako, basta ang akin ay ibibigay ko ang lahat ng makakaya tulad ng ginawa ko sa amateurs," ani Santos na makakatulong nina KG Canaleta at Ranidel de Ocampo sa Express.
Ang La Salle star na si Joseph Yeo ang No. 3 pick ng Coca-Cola at Ateneo star na si L.A. Tenorio naman ang hinugot ng San Miguel Beer bilang fourth overall.
Kinuha namang Fifth pick ng Bermen ang NCAA 2004 Rookie of the Year at MVP na si Gabby Epinas ng Philippine Christian University.
Tulad ng San Miguel, dalawang player din ang nakuha ng Sta. Lucia sa first round sa paghugot kay FEU lotman Mark Isip bilang sixth pick.
Ang Letran swingman na si Aaron Aban ang No. 7 pick ng Alaska at ang teammate niya si Mark Andaya ang eight overall pick ng Talk N Text.
Ang No. 9 pick naman ng Purefoods Chunkee ay isa pang Letranistang si Boyet Bautista at para sa baguhang team na Welcoat Paints, ang dating University of the Philippines standout na si Abby Santos ang kanilang10th overall.
Sa ikalawang round, unang pumili ang Welcoat Dragons na humugot sa isa pang Fighting Maroons na si Jireh Ibanes at ang FEU swingman na si RJ Rizada ang 12th overall pick ng Tigers, kasunod sina Mark Magsumbol (no. 13) ng Sta. Lucia, PSBA mainstay MC Caceres (No. 14), ang di kilalang si Chris Pacana (No. 15), big man Mike Gavino (No. 16) at Letran guard Ronjay Enrile (No. 17) ng Alaska, Magnum Membrere (19th) ng Red Bull at Olan Omiping (20th) ng Purefoods.
May limang araw ang mga draftees para makipag-negosasyon sa mga koponang humugot sa kanila bago maging free-agent tulad ng 27 pang mga players na hindi nakuha sa draft. (MBalbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest