^

PSN Palaro

Orcullo pasok sa World Pool

-
Lumabas ang pagka-beterano ni Dennis Or-cullo nang daigin si Ro-land Garcia at makuha ang ikaapat at huling pu-westo sa World Pool Championship sa pagpa-patuloy kahapon ng 2006 BSCP National Pool Championship sa Ninoy Aquino Stadium.

Hindi inalintana ng 27-anyos na tubong Surigao Del Sur na si Orcullo ang pagkawala sa naunang 3-0 kalamangan at nagha-bol pa sa 4-5 matapos sa-mantalahin ang mga er-rors ng kalaban tungo sa 9-6 panalo.

Ang pinaglabanan ng dalawang cue-artist ay ang panglimang puwesto sa kompetisyon na siyang makakasama sa World Pool Championship na lalaruin sa bansa sa Nobyembre.

Kailangang paglaba-nan ang nasabing puwes-to dahil ang top seed na si Alex Pagulayan na uma-bante sa last four ng tor-neo, ay seeded na sa World Pool event.

"Wala akong naisip nang mawala ang 3-0 kalamangan at naunahan pa ako. Sinuwerte lang ako sa breaks. Talagang gan-yan sa nine-ball mahalaga ang break," wika ni Orcullo, ang second seed sa kom-petisyon na sariwa pa sa paglapag sa ikatlong puwesto sa IPT 8-ball event.

Nalaglag si Orcullo sa loser’s bracket nang matalo kay Gandy Valle bago tuluyang napatalsik sa unang apat na puwesto matapos silatin ng giant killer na si Jeffrey de Luna. (LMConstantino)

ALEX PAGULAYAN

DENNIS OR

GANDY VALLE

GARCIA

NATIONAL POOL CHAMPIONSHIP

NINOY AQUINO STADIUM

ORCULLO

SURIGAO DEL SUR

WORLD POOL

WORLD POOL CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with