Bombers ‘wa epek sa Cardinals

Mula sa tatlo, ang five-time champions San Sebastian College at University of Perpetual Help Dalta na lamang ang hadlang sa pagpasok ng Mapua sa Final Four. 

Ito ay matapos patalsikin ng Altas ang Jose Rizal Heavy Bombers, 67-66, at igupo ng Stags ang sibak nang College of St. Benilde Blazers, 68-63, para makasilip ng isang playoff berth sa second round ng 82nd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Rizal Memorial Coliseum. 

"We still have to win our last two games and at the same time matalo naman ang Mapua para hindi sila umabot sa seven wins," ani coach Bai Cristobal sa kanyang UPHD, nakahugot ng 8 puntos kay Ronald Reyes sa final canto, kasama ang kanyang lay-up na umiwan sa Jose Rizal sa 67-66 sa huling 11 segundo. 

Pinamunuan ni Fritz Bauzon ang Altas mula sa kanyang 19 marka, tampok ang 6-for-10 clip sa 3-point range, kasunod ang tig-15 nina Khiel Misa at Korean Sang Lee at 10 ni Reyes. 

Sa juniors’ division, humakot si Ryan Buenafe ng 20 puntos, 6 steals, 5 boards, 2 assists at 2 blocks para ihatid ang nagdedepensang Staglets (7-2) sa 66-58 panalo kontra Bengals (3-6). (Russell Cadayona)

Show comments