"Magaling. Hell be a good choice for any team in need to shore up its backcourt," sabi ni Air21 mentor Bo Perasol ukol kay Bughao, na naglaro rin sa Teletech sa Philippine Basketball League (PBL), matapos itong kapusin ng assist at rebound para sa triple-double performance para sa Red team.
"Hes the type of guy that we need," sabi naman ni Ginebra coach Jong Uichico.
Ang mga tulad ni Santos, Williams, Tenorio at iba pang top guns gaya nina Mark Isip, Joseph Yeo, Gabby Espinas, Chico Lanete, Ronjay Enrile at RJ Rizada ang mga pros-pective first round picks ngunit sina Bughao at iba pa ay posibleng makuha sa second round ngunit kakaunti lamang sila na matatawag ang pangalan. Maaari silang matulad kay Larry Fonacier.
"Larry Fonacier was selected 14th overall a year ago, but he went on to win Rookie of the Year honor," sabi ng isang scout.
Nabanggit din sina Cesar Catli (10th) ng Sta. Lucia at Paolo Bugia (17th) na huli nang nahugot sa 2005 Draft, ngunit nakapaglaro ng mahabang oras sa kanilang teams. Si Mark Macapagal, ay pang-18th sa Draft at hindi nakapirma sa Talk N Text kaya napunta ito sa free agent market. (Mae Balbuena)