Letran, San Beda bandera pa rin
August 17, 2006 | 12:00am
Sa likod ng kanilang depensa, kapwa napanatili ng nagdedepensang Letran College at San Beda College ang pamumuno sa eliminasyon.
Tinalo ng Knights ang five-time champions San Sebastian Stags, 62-56, at iginupo naman ng Red Lions ang UPHD Altas, 77-57, para pangunahan ang second round ng 82nd NCAA mens basketball tournament kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.
Nasa kanilang four-game winning run ngayon ang Letran, habang itinarak ng San Beda ang kanilang nine-game winning streak para sa magkatulad nilang 10-1 rekord kasunod ang PCU (8-3), Mapua (6-5), SSC-R (3-8), UPHD (3-8), Jose Rizal (3-8) at sibak nang St. Benilde(1-10).
Matapos iposte ng Knights ang isang 16-point lead, 50-34, sa 6:21 ng fourth period, nakalapit ang Stags, nasa kanilang four-game losing skid, sa 53-57 agwat mula sa 3-pointer ni Jim Viray sa 2:19 nito.
Dalawang freethrows ni Andro Quinday at jumper ni pro-bound Boyet Bautista, may 3-for-7 shooting sa 3-point line, ang naglayo sa Knights sa 61-54 sa huling 28 segundo matapos ang split ni John Tioseco ng Stags.
Bumangon naman ang Red Lions, nakahugot ng 13 puntos kay Pong Escobal, 12 kay Yousif Aljamal at 10 kay JR Tecson, mula sa masamang 4-12 panimula upang ibaon ang Altas sa third quarter, 61-38, patungo sa kanilang pang siyam na dikit na panalo.
Sa juniors division, tinalo ng nagdedepensang Staglets (6-2) ang Squires (0-10) mula sa kanilang 86-66 pananaig tampok ang 22 puntos, 11 boards, 8 assists, 3 blocks at 1 steal ni Ryan Buenafe. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended