RP vs Lebanon sa San Juan Arena
August 16, 2006 | 12:00am
Hangad ng San Miguel Beer sponsored team Philippines na maduplika ang kanilang nakaraang panalo laban sa walang ganang Lebanon sa muling pakikipagharap sa World Basketball championship-bound team ngayong alas-7:00 ng gabi sa bagong San Juan Arena.
Inspirado ng 19-point blowout, nais ng National squad na ma-sweep ang kanilang two-game exhibition series laban sa Lebanon national team na sasabak sa Saitama, Japan.
Madalian lamang na binuo ang koponan ng RP Team na minanduhan ni coach Norman Black na pansamantalang humalili kay national coach Chot Reyes na kasalukuyang nagmamando ng San Miguel Beer team na lumalaban sa Asian Club Invitational Championship sa Taipei.
Nagbida si Renren Ritualo na tumapos ng game-high na 23-puntos para sa 94-75 panalo ng RP Squad noong Linggo na sumira sa morale ng Lebanon na sinasabing second best team ng Asya.
"I agree with coach Norman (Black) that the Lebanese will give the RP Team tough challenge. This team (Lebanon) is ranked among the worlds elite in the sport of basketball. They certainly want to keep their pride intact," ani PBA commissioner Noli Eala.
Ang two-game Goodwill series na ito ay paghahanda ng mga Lebanese para sa World Basketball Championship set in Saitama, Japan na magsisimula sa susunod na linggo at tune-up din ito ng Team Philippines para sa 6th Brunei Cup kung saan sila ang defending champion sa August 19-27.
Mabibili ang tickets sa San Juan Arena ng P100 (ringside) at P50 (lower box) ngunit libre ang general admission section sa public. (MBalbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended