RP Golden Girls sasabak sa aksiyon
August 15, 2006 | 12:00am
KALAMAZOO, Michigan Bubuksan ng Team Manila ang kanilang kampanya sa double-header sa Lunes (Martes sa Manila) sa pagsisimula ng Big League (16-18) girls softball World Series championships dito sa Lee Field ng malawak na Vanderberg Park.
Makakaharap ng Golden Girls ang Puerto Rico sa ganap na alas-10:30 ng umaga.
Magbabalik sila sa naturang palaruan kontra naman sa Michigan sa ganap na alas-3:30 ng hapon ng araw ding iyon.
Sisimulan ni Aiza dela Torre ang laban kontra sa Puerto Rico, ang team na kanyang tinalo sa 2003 Junior League championship sa Kirkland, Washington sa Bacolod City team.
Nakatakdang dumating bago ang laban ng Golden Girls ang coach na si Filomeno Codiñera, assistant mentor Jenny de Jesus at ang mga players na sina Dela Torre, Dorie Mae Cabuguason, Wenchie Bacarisas, Maria Liza Gaylon, Jessel Taladtad, Thinsey De Jose, Tiffany Mathay, Delagente at Alexandra Zuluaga, Chat Lorevie Ditchon at Marissa Mahilum

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended