Pagulayan, SEAG gold medalist babandera sa National pool tourney
August 14, 2006 | 12:00am
Pangungunahan ni 2004 World Champion Alex The Lion Pagulayan at apat pang Southeast Asian Games gold medalists ang 64-man field sa 2006 BSCP National Pool Championships na nakatakdang magsimula bukas sa Ninoy Aquino Stadium.
Dumating si Pagulayan, nanaki ng tatlong gold medals sa nakaraang SEA Games noong Biyernes. Sinabi ni Pagulayan sa mga organizers na nais niyang maglaro para sa national title at nakapagrehistro na ito at nagbayad na ng entry fee sa NPC.
Makakasama ni Pagulayan sa naturang torneo ang apat pang Southeast Asian Games gold medalists na sina Dennis Orcollo, Lee Van Corteza, Leonardo Andam at Antonio Gabica.
Umaasa ang Billiards and Snooker Congress of the Philippines sa apat na RP cue artists na magbibigay ng karangalan para sa bansa matapos di sumali ang mga top billiards player ng bansa na sina Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante.
Kinukumpleto pa ang 64-man field habang sinusulat ang balitang ito dahil kasalukuyan pang pinaglalabanan ng 47-players ang final 12-slot sa Star Billiard Center. Nagsimula ang round-robin qualifying ng kahapon ng hapon na may apat na rounds.
Si Pagulayan, 2005 US Open champion ang No. 1 seed sa national championships habang si Orcollo ang second pick.
Ang dalawang ito kasama sina Korean Open champion Renato Alcano, Corteza at Gabica, ang kinokonsiderang bagong henerasyon ng Filipino pool players.
Inaasahang magbibigay naman ng mahigpit na hamon sina Jose Amang Parica, 2005 US Open runner-up at Rodolfo Boy Samson Luat na nanalo kamakailan lamang sa Kaohshiung leg ng San Miguel Asian 9-Ball Tour.
Seeded din sina Ramil Bebeng Gallego, SMC tour Bangkok leg winner, at Mario Tolentino, third placer sa 2005 Philippine Open.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am