4th Cycling Search Invitational bubuksan ni Belmonte
August 13, 2006 | 12:00am
Muling magkikita ang mga mahuhusay na siklista ng bansa at aspiring riders sa pagsikad ng 4th Cycling Search Invitational (CS14) sa Sabado, August 19 sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.
Itinakda kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Quezon City sa kooperasyon ng city government sa pangunguna ni Mayor Sonny Belmonte, magsisimula ngayong taon ang kick-off leg ganap na alas-8 ng umaga kung saan mismong si Mayor Belmonte ang inimbitahan upang siyang magbukas ng nasabing karera kasama ang iba pang city opisyal ng siyudad.
Ang criterium race, na presinta ng PhilPost at hatid ng PCSO, Lamoiyan Corp., Landbank, Smart, Speed, PAGCOR at Burlington ay mayroong apat na kategoryang paglalabanan kabilang ang Peoples Race, isang special race para sa mga local riders na nakatira sa bisinidad ng kasalukuyang leg.
Ang tatlong iba pang kategorya-- ay ang Elite Men, Women, Masters at Pro-Open.
Inaasahang muling babandera ang dating tour champion at veteran international campaigner na si Victor Espiritu, kampeon noong nakaraang taon sa pro category ang Philippine Army katulong si Merculio Ramos para sa korona, habang ang 2005 runner-up na si Bernard Luzon ang siya namang gigiya sa San Leonardo squad.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am