^

PSN Palaro

PBA, makulay

GAME NA! - Bill Velasco -
Napakarami ng nangyayari sa PBA at di pa man nagsisimula ang season, marami nang interesanteng kaganapan, mula sa pagdating ng Welcoat Dragons, sa pagbabago ng line-up ng Ginebra, Coca-Cola at Air21, at ang Rookie Camp.

Dahil sa mga trade na isinagawa ng Ginebra, makikinood na lamang sila sa Rookie Draft, dahil wala na silang natira pang pick.

"Miron na lang kami," ang tawa ni Allan Caidic, team manager ng Ginebra.

Makakalaban ng Gin Kings ang Welcoat sa opening day.

Samantala, ang nagbabakasyong Philippine Cup champion Purefoods Chunkee Giants ay naghahanap pa ng isang sentro na makakatulong sa kanila sa loob. Subalit, dahil pangsiyam sila sa draft, malabong mangyari iyon.

"We still need a big man," sabi ni Purefoods head coach Ryan Gregorio. "I just don’t know if anybody will still be available by the time we draft. We’ll probably have to get someone through trades."

Naghahanap din ng isa pang beteranong sentro ang Welcoat, dahil wala silang nakuha sa expansion draft. Sa tatlong inakyat nila mula sa PBL (JayR Reyes, Junjun Cabatu at Jay Sagad), tanging ang dating NCAA Most Valuable Player na si Sagad ang natural na sentro. Si Reyes ay mas mahilig tumakbo, habang si Cabatu naman ay outside shooter. At rookie pa silang lahat.

Ilan din ang nagpakitang-gilas sa Rookie Camp, tulad nila Kelly Williams at Arwind Santos. Ang ilan naman sa mga draftees ay pigil pa ang laro, dahil ginagamit pa sila sa kani-kanilang mga eskuwelahan.

Ang ilan naman ay naglalaro sa ika-sampung Danny Espiritu Cup na ginaganap sa Lyceum Gym. Maraming mga draftees, free agents at manlalaro ng NBC ang nagbabakbakan sa liga, na kasalukuyang pinangungunahan ng bagong John O team.
* * *
Ang lahat ng Pinoy o Fil-Am sa Los Angeles ay inaanyayahang bumisita sa www.angatfilambasketball.com. May bagong ligang itatatag ang website sa LA, na bukas para sa mga Fil-Am lamang. Sasagutin ng grupo ang mga uniporme at panggastos ng bawat team. Ang magkakampeon ay bibisita sa Pilipinas.
* * *
Abangan mamaya ang programang The Basketball Show, ganap na alas-dos ng hapon sa RPN 9.

ALLAN CAIDIC

ARWIND SANTOS

BASKETBALL SHOW

DANNY ESPIRITU CUP

FIL-AM

GIN KINGS

GINEBRA

JAY SAGAD

ROOKIE CAMP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with