^

PSN Palaro

Lina nagsusumamo sa POC

-
Sa kabila ng pahayag kamakalawa ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose "Peping" Cojuangco, Jr., nagsumamo pa rin kahapon si Joey Lina na ibalik ang pagiging miyembro ng pinamumunuan niyang Basketball Association of the Philippines (BAP).

"Kami ay patuloy na nanunuyo, hoping against hope kumbaga," sabi ni Lina kay Cojuangco. "Ginagawa namin lahat at sana kami ay tangkilikin muli sapagkat wala naman sigurong kasalanan na hindi napapatawad."

Nagpatawag ng isang ‘informal meeting’ si Lina kamakalawa sa hanay ng mga National Sports Associations (NSA)s na siyang sumibak sa BAP noong Hunyo ng 2005 mula sa rekomendasyon ng POC.

Dahilan rito, pinatawan ng FIBA, ang international cage body, ng suspensyon ang BAP na posibleng umabot sa darating na 15th Asian Games sa Doha, Qatar.

"Iyon namang mahabang panahon na pagsisilbi ng BAP sa bansa, sana naman ay tingnan rin ng POC at ng mga basketball stakeholders," wika ni Lina.

Ang suspensyon ng BAP ay inaasahang tatalakayin sa pulong ng FIBA Central Board at FIBA Congress sa Agosto 27-28 sa Saitama, Japan.

Sa nasabing pulong, sinabi ni Cojuangco na ipapadala ng POC bilang kinatawan si legal counsel Atty. Ding Tanjuatco kasama ang dalawang miyembro ng Pilipinas Basketball, itinutulak na ipalit sa BAP.

"Kahit na nagbago ang Constitution and By-Laws ng BAP at ‘yon na nga ang direksyon na aming ginawa ng PBA, PBL, UAAP at ng NCAA, sa bandang huli sinabi ng POC na hindi puwede ‘yan at kailangan ay bagong organisasyon na," ani Lina. (R Cadayona)

ASIAN GAMES

BAP

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CENTRAL BOARD

COJUANGCO

CONSTITUTION AND BY-LAWS

DING TANJUATCO

JOEY LINA

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with