Sa kauna-unahang pagkakataon, sumagupa ang Mexican na si Omar Niño Romero para sa korona matapos ang 11-taon sa kanyang career at nagbunga ng maganda ang kanyang pagtatangka ng kanyang payukurin si Viloria sa bisa ng unanimous decision at agawin ang World Boxing Council (WBC) light flyweight belt noong Huwebes ng gabi (Biyernes ng umaga sa Manila) sa Orleans Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.
"I came here to win," wika ng 30-anyos na fighter mula sa Guadalajara, Mexico "I didnt come here to do anything else but win this title."
Naging abala ang pagsalpok ng mga kamao ni Romero sa mukha ni Viloria at pagpapatama ng uppercut at left hooks. At ng matapos na ito, umiskor ang mga judges ng 118-110, 117-112, at 117-111 pabor sa Mexican pug.
"After four rounds, I knew I had him," ani pa ni Romero, na lumaban sa labas ng balwarte ng kanyang ina sa kauna-unahang pagkakataon. Bunga nito, napaganda niya ang kanyang record sa 24-2-1 na may 10 ang bagong kampeon ay nagpakawala ng 245-of-778 suntok (28 percent), habang si Viloria ay nagpatama lamang ng 113-of-398 blows (28 percent), ayon sa CompuBox statistics.
Ito ang kauna-unahang kabiguan ni Viloria sa kanyang 20 laban.
" I was disappointed in my performance. I fought a stupid fight tonight," sabi naman ni Viloria.
"I was in shock right now. I dont know what to do. Its just a shock."
Hindi lang si Viloria ang nakatikim ng lupit ng kamao ni Romero, naging biktima din niya si Jorge Arce, ang reigning WBC flyweight champion na kanyang pinatigil sa first round may 10-taon na ang nakakalipas.
Ibinangon naman ng nagbabalik na si Diosdado Gabi ang respeto ng bansa nang kanyang patulugin sa unang round lamang ang wala sa kondisyon na dating world champion na si Mauricio Pastrana.
Tatlong beses na humalik sa lona si Pastrana ang dating kampeon sa IBA at IBO, bago tuluyang natalo may 1:36 sa orasan sa unang round.
Ang tagumpay ni Gabi ay kanyang pambawi matapos ma-knockout sa IBF champion Vic Darchinyan nitong Marso at iniangat ang karta sa 27-3-1 at 19 KO.