Subok na boksingero ang ipapadala sa Asiad
August 10, 2006 | 12:00am
Kung walang magiging hadlang sa pagbabago, magpapadala ang Philippine ng subok na boxing team sa Doha Asian Games sa Disyembre.
Ayon kay Amateur Boxing Association of the Philippines president Manny T. Lopez, ang bansa ay magpapadala ng minimum na 6 at maximum na 8 boxers sa quadrennial Games.
Ang bansa ay nag-uwi ng silver at bronze medal mula sa Busan Asian Games may apat na taon na ang nakakaraan at optimistiko si Lopez na ngayong taon ay mas higit na handa na silang mapaunlad ang kanilang performance.
Im not going to make a prediction on how many medals we can win, but I am assuring you that were fielding a team rarin to do battle against Asias bests, ani Lopez, na siya ring second vice-president ng Philippine Olympic Committee.
Ayon pa kay Lopez, ang elimination ay masugid na sinusubaybayan ng national coaching staff na pinamumunuan ni Pat Gaspi sa national training camp sa Baguio City.
Gayunpaman, sinabi din ni Lopez na ang koponan ay bubuuin ng magkahalong beterano at first-timers.
Ilan sa mga inaasahang mapapabilang ay sina Olympians flyweight Violito Payla at lightflyweight Harry Tañamor. Si Tañamor ay nagwagi ng silver sa Busan. Nasa listahan din ng ABAP sina Southeast Asian Games medalists Joan Tipon (bantamweight), lightweight Genebert Basadre, na pawang mga first-timers sa Asiad.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest