Maging ang manager ni Viloria na si Gary Gittelsohn, ay nananatiling tahimik, subalit ang pananahimik na ito ay nangangahulugan na maisakatuparan ang isa pang inaasahang mega-buck fight ng kanyang alaga kontra naman sa tanyag na Japanese champion na si Koki Kameda kung sakaling makalusot si Viloria sa kanyang ikalawang challenger.
"We will be very interested to fight him (Kameda) although we havent talked with his camp yet," wika ni Gittelsohn.
Maging ang mga Japanese media ay gigil na gigil na ring masilayan ang pagsabak ng kanilang bayani sa undefeated champion mula sa Hawaii.
Hawak ni Kameda ang World Boxing Association (WBA) version ng light flyweight belt.
"It would be the biggest fight in the 108-lbs since Michael Carbajal fought Chiquita Gonzalez, a very big fight that would unify the belts and would be watched by millions of people," dagdag pa ni Gittelsohn, kung saan sinabi pa nito na mahigit sa populasyon ng Japan ang nanood sa laban ni Kameda ng kanyang talunin si Juan Landaeta ng Venezuela sa kanyang huling laban.
Ngunit batid ng sinuman na may isang babagsak sa kanila.
"Of course, we still have to hurdle Romero and were not looking past this guy," wika naman ng trainer ni Viloria na si Freddie Roach."I want Brian to go out and take care of business with Romero first," dagdag pa ni Roach "The more impressive he looks the better it will be when we talk with the Japanese people."
At ang posibilidad na maisakatuparan ang labang ito ay kung magagawang mapanatili ni Viloria ang kanyang korona.
Ang Viloria-Romero title bout at ang iba pang under cards ay ipalalabas sa wide screen sa Robinsons Galleria Fountain Area at sa Tastebuds sa Robinsons Place Manila simula sa alas-10 ng umaga. Ipalalabas naman ito ng Solar Sports, ang tahanan ng Filipino boxing champions sa alas-10 din ng umaga at may replays sa alas-7-9 ng gabi sa sumunod na araw.