^

PSN Palaro

Tagumpay sisiguruhin ni Viloria

-
Sisiguraduhin ni Brian Viloria na mapagtagumpayan ang kanyang pagdepensa sa hawak na World Boxing Council (WBC) light flyweight title sa kanyang nakatakdang pakikipaglaban sa Mexican na si Omar Nino Romero sa Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Orleans Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Maging ang manager ni Viloria na si Gary Gittelsohn, ay nananatiling tahimik, subalit ang pananahimik na ito ay nangangahulugan na maisakatuparan ang isa pang inaasahang mega-buck fight ng kanyang alaga kontra naman sa tanyag na Japanese champion na si Koki Kameda kung sakaling makalusot si Viloria sa kanyang ikalawang challenger.

"We will be very interested to fight him (Kameda) although we haven’t talked with his camp yet," wika ni Gittelsohn.

Maging ang mga Japanese media ay gigil na gigil na ring masilayan ang pagsabak ng kanilang bayani sa undefeated champion mula sa Hawaii.

Hawak ni Kameda ang World Boxing Association (WBA) version ng light flyweight belt.

"It would be the biggest fight in the 108-lbs since Michael Carbajal fought Chiquita Gonzalez, a very big fight that would unify the belts and would be watched by millions of people," dagdag pa ni Gittelsohn, kung saan sinabi pa nito na mahigit sa populasyon ng Japan ang nanood sa laban ni Kameda ng kanyang talunin si Juan Landaeta ng Venezuela sa kanyang huling laban.

Ngunit batid ng sinuman na may isang babagsak sa kanila.

"Of course, we still have to hurdle Romero and we’re not looking past this guy," wika naman ng trainer ni Viloria na si Freddie Roach."I want Brian to go out and take care of business with Romero first," dagdag pa ni Roach "The more impressive he looks the better it will be when we talk with the Japanese people."

At ang posibilidad na maisakatuparan ang labang ito ay kung magagawang mapanatili ni Viloria ang kanyang korona.

Ang Viloria-Romero title bout at ang iba pang under cards ay ipalalabas sa wide screen sa Robinson’s Galleria Fountain Area at sa Tastebuds sa Robinson’s Place Manila simula sa alas-10 ng umaga. Ipalalabas naman ito ng Solar Sports, ang tahanan ng Filipino boxing champions sa alas-10 din ng umaga at may replays sa alas-7-9 ng gabi sa sumunod na araw.

ANG VILORIA-ROMERO

BRIAN VILORIA

CHIQUITA GONZALEZ

FREDDIE ROACH

GALLERIA FOUNTAIN AREA

GARY GITTELSOHN

GITTELSOHN

KAMEDA

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with