^

PSN Palaro

Bilang ng POC sa Asiad dapat nang isumite

-
Hanggat maaari ay dapat magsumite ng maximum number ang Philippine Olympic Committee (POC) para sa delegasyong ilalahok sa darating na 15th Asian Games sa Doha, Qatar.

Ito ang mungkahi ni Philippine Sports Commissioner Richie Garcia sa POC kaugnay sa bilang ng national contingent na ipapadala sa naturang quadrennial event na nakatakda sa Disyembre 1-15.

"Ang kailangan nating gawin is to submit a list of prospective athletes and officials, and from this puwede pa ‘yang bawasan," wika ni Garcia. "What were going to do is submit a maximum."

Inaasahang aabot sa 400 ang bilang ng delegasyong ililista ng POC sa pagsusumite nila ng listahan sa Doha Asian Games Organizing Committee (DAGOC).

"This can go up to 400 because the organizing committee would like to know the names of the athletes and the officials as early as possible."

Sa mga qualified athletes, ibabawas na lang ‘yung mga hindi dapat isama," ani Garcia.

Nauna nang naglatag ang sports commission ng P30 milyon para sa gastusin ng 200 hanggang 250 bilang ng mga atleta at opisyales na magtutungo sa 2006 Doha Asiad.

Sa nakaraang 2002 Asian Games sa Busan, Korea, nakapagpadala ang bansa ng 359 bilang ng delegasyon na ginastusan ng PSC ng P70 milyon.

Mula sa naturang bilang, tatlong gintong medalya ang nasikwat nina equestrian Mikee Cojuangco, bowlers Paeng Nepomuceno at RJ Bautista at billiards players Francisco "Django" Bustamante at Antonio Lining. (RCadayona)  

vuukle comment

ANTONIO LINING

ASIAN GAMES

DOHA ASIAD

DOHA ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

GARCIA

MIKEE COJUANGCO

PAENG NEPOMUCENO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSIONER RICHIE GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with