Kinailangan lusutan ni Luat ang mabigat na hamon ni Muhammad Zulkifri sa semifinals bago nito naitakas ang 11-8 panalo sa semifinal round upang harapin ang Taiwanese na si Hsia Hui-Kai sa finals.
Ang panalong ito ni Luat ay ganti na rin sa kabiguang nalasap ni RP cue artists Francisco Django Bustamante na yumuko kay Hsia, 4-11, sa isa pang semifinals match.
Maganda ang naging simula ni Luat sa championship match nang kanyang kunin ang 7-2 kalamangan sa kaagahan ng laro.
Ngunit hinayaan niyang makabawi ang local bet na si Hsia na nakalapit sa 6-7 matapos nitong kunin ang apat na sunod na racks.
Bumawi si Luat nang angkinin nito ang 14th, 15th at 16th rack para sa 10-6 kalamangan at bagamat ibinigay nito ang 17th rack kay Hsia, nagkaroon ito ng magandang break sa 18th rack upang tuluyang iselyo ang tagumpay.
Ibinulsa ni Luat ang $10,000 premyo habang nagkasya naman si Hsia sa $5,000 runner-up prize.
Sa laban ni Hsia kay Bustamante, hindi nakaporma ang Pinoy na nahirapan sa kanyang break matapos manalo sa unang rack habang impresibong laro naman ang ipinamalas ni Hsia na nagdeliber ng mga solidong breaks.
Isang triple combination na kinapalooban ng 2-3-9 balls sa 2nd rack ang nagsimula ng dominasyon ni Hsia kay Bustamante na sumama ang break sa 3rd rack na naging daan para linisin ng kalaban ang table.
Isang 8-9 combination sa 4th rack ng Taiwanese, miscue ni Bustamante sa fifth at isang nakakabilib na performance sa sixth rack ni Hsia ang naglayo ng iskor sa 5-1 at hindi na ito nahabol ng Pinoy na umiskor lamang sa 7th rack nang magmintis ang local bet sa 2-ball.
Ang torneong ito na qualifying para sa Asia sa World Pool Championship sa November kung saan ang top-10 players ang kukunin.
Sa $160,000 total prize, ang champion ay tatanggap ng US$10,000 at US$5,000 sa runner-up. Bukod sa Ho Chi Minh City, Bangkok at Taiwan, ang tour ay titigil sa Jakarta, Indonesia para sa final leg ng event na ito na sanctioned ng Asian Pocket Billiard Union at inorganisa ng ESPN STAR Sports Event Management Group (EMG) at Kaohsiung City Government.