^

PSN Palaro

Menor sinuspinde, Bedans nalo pa rin

-
Hindi nakaapekto sa San Beda College ang biglaang pagbibigay ng NCAA Management Committee (ManCom) ng notice of suspension kay off-guard Ogie Menor.

Dumiretso sa kanilang seven-game winning streak ang Red Lions matapos igupo ang five-time champios San Sebastian Stags, 77-60, at pumitas ng playoff berth para sa Final Four ng 82nd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Patuloy pa rin sa pamumuno ang San Beda sa second round mula sa hawak na 8-1 rekord kasunod ang nagdedepensang Letran (7-1), PCU (6-2), Mapua (5-4), San Sebastian (3-6), UPHD (2-6), Jose Rizal (2-7) at St. Benilde (1-8).

"Minutes before the game sinabi ng ManCom na hin-di puwedeng mag-laro si Ogie (Menor) dahil sa elbowing foul nito kay (Mark) Pradas sa game namin against Jose Rizal last Friday," ani coach Koy Banal.

Kaagad na kinuha ng Red Lions ang 36-18 abante sa first period patu-ngo sa kanilang 43-22 lamang sa 5:46 ng third quarter buhat sa basket ni 6’8 Nigerian Samuel Ekwe, tumapos nang may 7 puntos, 12 rebounds, 3 blocks at 1 steal.

Sa ikalawang laro, tu-mipa naman sina James Sena at John Wilson ng pinagsamang 31 puntos para igiya ang Heavy Bombers sa 73-69 panalo kontra sa Cardinals.

Sa juniors class, tinalo naman ng Red Cubs (7-1) ang nagdedepensang Staglets (5-2) mula sa kanilang 64-59 tagumpay sa likod ng 23 marka, 17 rebounds at 4 blocks ni David Marcelo.(Russell Cadayona)

DAVID MARCELO

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

JAMES SENA

JOHN WILSON

JOSE RIZAL

KOY BANAL

MANAGEMENT COMMITTEE

NIGERIAN SAMUEL EKWE

RED LIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with