Kung lumagpas sa timbang, parusa di problema ni Morales
July 31, 2006 | 12:00am
Hindi magiging problema para kay Erik Morales ang ipapataw na mabigat ng kaparusahan kung sakaling hindi niya maaabot ang weight limit na 130 lbs. sa pagbangga sa ikatlong pagkakataon laban sa mahusay na Filipino boxer na si Manny Pacquiao sa Nobyembre 18 sa Thomas and Mack Center, sa Las Vegas Nevada.
"Its okey. We are going to sign and thats not going to be a problem," wika ni Morales bilang katugunan sa ipapataw na malaking multa pabor kay Pacquiao kung sakaling lumampas ito sa pinagkasunduang fight weight.
Ayon sa manager ni Pacquiao na si Shelly Finkel, multang $500,000 ang kailangang ibayad ni Morales kay Pacquiao kapag pumasok siya sa laban taglay ang 130.1 o 131pounds. Doble naman ito kung pumasok ang Mexican boxer sa 131 hanggang 132 lbs. at kung lalabis pa rito ay makakamit ni Pacquiao ang US $1 milyon bukod pa sa karapatan na hindi na labanan si Morales.
Nilinaw ni Finkel na proteksyon ito kay Pacquiao na lehitimong 130 lbs. fighter kung kayat dapat na ang kanyang makakalaban ay kasing timbang din niya.
"Manny is not a big 130-pounder and he doesnt want to fight above that. So if you make a deal to fight at 130, you should be penalized if you dont make it," wika ni Finkel sa ESPN.
Tiwala naman si Morales na maaabot ang weight limit dahil ang kanyang promoter na si Bob Arum ng Top Rank ay kumuha ng mga mahuhusay at batikang trainers upang mailagay siya sa tamang timbang sa takdang laban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am