Hatfield magbabalik sa Coca-Cola Tigers
July 30, 2006 | 12:00am
Tila maganda ang hinaharap ng Coca-Cola Tigers sa 2006-2007 season ng Philippine Basketball Association nang magpahayag ng intensiyon si Rudy Hatfield sa kanyang pagbabalik sa hardcourt.
Ang 64 na si Hatfield, isang monster rebounder at player na hnahangaan sa kanyang work ethics at tumulong sa Tigers sa ilang pares ng kampeonato.
Tinalo ng Tigers ang Alaska Aces, 3-1 para pagharian ng 2002 All-Filipino Cup at tinalo ang San Miguel Beer, 4-3 para naman sa 2003 Reinforced Conference title.
Sa katunayan, noong 2003, nakopo din ni Hatfield ang Most Valuable Player plum nang daigin si Paul Asi Taulava ng Talk N Text para sa parangal.
Nang sumunod na season nasuspinde si Hatfield kasama sina Fil-foreign players Taulava, Eic Menk ng Barangay Ginebra , Davonn Harp at Mick Pennisi ng Red Bull at iba matapos ang imbestigasyon ng Department of Justcie ukol sa kanilang Filipino heritage
Nasiraan ng loob, umuwi sa Amerika si Hatfield upang subukan ang kanyang suwerte sa pagiging wrestler at ngayon ay isang firefighter.
Natapos na ang kontrobersiya tungkol sa Fil-sham at naibalik na ang mga Fil-foreign players sa PBA lalo na yung mga naging miyembro ng Philippine team. Ngunit bagamat puwede na si Hatfield maglaro uli, hindi ito nagbalik
Ngayon isang opisyal ng Coca-Cola ang nagsabing tumanggap siya ng tawag kay Hatfield at ipinadala ang kanyang intensiyong maglaro uli sa PBA sa Coca-Cola Tigers at malugod namang tatanggapin ang kanyang pagbabalik. (ACZaldivar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended