Knights sinakmal ng Lions
July 29, 2006 | 12:00am
Ngayon lamang nanalo ang San Beda College sa nagdedepensang Letran College sa first round sapul noong 1999.
Ibinasura ng Red Lions ang kanilang 0-13 rekord sa Knights sa first round mula noong 1999 mula sa kanilang 57-49 panalo para magsalo sa liderato sa 82nd NCAA mens basketball tournament kahapon sa napunong Ninoy Aquino Stadium.
Its good that this guy have stepped up big in this game," wika ni coach Koy Banal kay Yousif Aljamal na tumipa ng 22 puntos, 9 rebounds at 1 assist sa paghahatid sa San Beda sa 6-1 rekord kabigkis ang Letran kasunod ang PCU (5-2), Mapua (4-3), San Sebastian (3-4), University of Perpetual Help Dalta (2-5), Jose Rizal (1-6) at St. Benilde (1-6). "He knows kung ano ang obligation niya sa team as well as the other players who contributed in this win."
Mula sa 28-19 lamang sa first half, pinalobo ng Red Lions, nasa kanilang four-game winning streak ngayon, ang kanilang abante sa 43-29 kontra Knights mula sa jumper ni Raymond Maggay sa huling 57 segundo ng third period.
Pinutol ng Letran ang naturang bentahe sa 44-51 sa likod ng dalawang sunod na jumper ni Boyet Bautista at drive ni Andro Quinday sa 5:58 ng fourth quarter bago ilayo ng San Beda sa 57-46 ang kanilang abante, tampok rito ang 3-point shot ni Aljamal, sa natitirang 1:13 nito.
Sa inisyal na laro, napanatili naman ng Mapua ang pag-upo sa No. 4 spot nang talunin ang Jose Rizal, 64-59, mula sa 23 marka ni Sean Co at 12 ni Jerby Del Rosario.
"Im quite satisfied with our performance. I just hope na masustain namin ito going into the second round where every game counts," wika ni coach Horacio Lim sa kanyang Cardinals. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended