^

PSN Palaro

NCAA kanselado dahil kay ‘Glenda’

-
Sa ikalawang pagkakataon ngayong taon, muling kinansela ng NCAA Management Committee (ManCom) ang nakatakdang mga laro sa basketball tournament dahilan sa bagyo.

Inilipat kahapon ng NCAA ManCom ang tatlong larong naunang itinakda ngayong hapon sa Biyernes bunga ng pananalasa ng bagyong si "Glenda" sa Kamaynilaan.

"We received an advisory from PAGASA that the (bad) weather condition will continue until tomorrow (Miyerkules)," ani MANCOM chairman Bernie Atienza ng host school College of St. Benilde. Bunga ng naturang advisory ng PAGASA, posible ring suspendihin ang mga klase ngayong araw, dagdag ni Atienza.

"Because of this, classes might be suspended again and we don’t want to take chances," wika ng ManCom chief. "First is the safety of our athletes and students, and second the ticket sales. We have two big games and if there are no classes, it could affect our gate receipts."

Nakatakda sana ngayong alas-4 ng hapon ang upakan ng nagdedepensang Letran Knights at San Beda Red Lions matapos ang salpukan ng Mapua Cardinals at Jose Rizal U Heavy Bombers sa alas-2 at ang laro ng Squires at Red Cubs sa alas-6 ng gabi sa 82nd NCAA basketball tournament sa Ninoy Aquino Stadium.

Tangan ng Letran ang 6-0 rekord kasunod ang San Beda (5-1), PCU (5-2), Mapua (3-3), San Sebastian (3-4), UPHD (2-5), Jose Rizal (1-5) at St. Benilde (1-6).Noong nakaraang buwan ay nag-kansela rin ng mga laro ang NCAA ManCom dahilan sa bagyong si "Florita". (Russell Cadayona)

BERNIE ATIENZA

COLLEGE OF ST. BENILDE

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL U HEAVY BOMBERS

LETRAN KNIGHTS

MANAGEMENT COMMITTEE

MAPUA CARDINALS

NINOY AQUINO STADIUM

RED CUBS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with