^

PSN Palaro

Laban ni Bobby Pacquiao kay Soto naudlot

-
Hindi na matutuloy ang pagsagupa ni featherweight Bobby Pacquiao kay Mexican Humberto "Zorrita" Soto sa Agosto 12para sa elimination fight ng World Boxing Council (WBC) featherweight division.

Ito ay matapos umurong ang kampo ng tinaguriang "The Sniper",ang nakababatang kapatid ni world boxing icon MannyPacquiao, sa naturang eliminator bout nila ni Soto na nakatakda sanang idaos sa Montbleu Resort Casino & Spa sa Lake Tahoe, Nevada.

Tinanggap ng grupo ni Bobby Pacquiao ang alok na labankay dating International Boxing Federation (IBF) featherweight titlist Robbie Peden.

Si Bobby Pacquiao, nagbabandera ng 27-11-3 win-loss-draw slate tampok ang 12 knock-outs,ang kasalukuyang hari sa super featherweight category ng WBC Continental Americas.

Nanggaling si Bobby Pacquiao mula sa isang fourth-round KO kay Kevin Kelly noong Hunyo 10 sa New York matapos na ring umiskor ng isang split decision kaydating world champion Carlos "Famoso" Hernandez.

Huling nakatikim ng kabiguan si Soto noon pang 2002 sa mga kamao ni Kelly bago ang ipinosteng 16-fight winning streak.

Iniwanan naman ni Soto, may 39-5-2 win-loss-draw ring record kasama ang 23 knock-outs, ang featherweight class upang umakyat sa super featherweight division.

"I feel more comfortable at 130 pounds," dahilan ni Soto. "I’d like to stay at this weight for a year, then I’d like to jump to the lightweight division."

Si Soto ang tumalo kay American Rocky Juarez, tinalo ni world featherweight king Marco Antonio Barrera kamakailan, para sa WBC crown noong 2005.

Samantala, makaraang ibigay ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang State of the Nation Address noong Lunes, may sarili at maikling bersiyon din si Manny Pacquiao na ibinahagi sa mediamen.

"Maganda ang mga sinabi ni Presidente sa SONA (the President said many good things in the SONA)," ani Pacquiao na naghost ng dinner sa mediamen na nagkober ng kanyang laban kay Oscar Larios ng Mexico sa Araneta Coliseum kamakailan.

"Alam mo na maganda ang hangarin ni Presidente kaya dapat natin siyang suportahan (We know that the President has good intention so we have to support her)," dagdag ni Pacquiao. (Russell Cadayona)

AMERICAN ROCKY JUAREZ

ARANETA COLISEUM

BOBBY PACQUIAO

CONTINENTAL AMERICAS

FEATHERWEIGHT

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

KEVIN KELLY

PACQUIAO

SOTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with