^

PSN Palaro

Pinoy shuttlers yuko

-
MACAU — Magiting na nakipaglaban ang Yonex-Philippine badminton team ngunit kulang ang kakayahan laban sa magagaling na kalaban sa US$120,000 Macau Open noong Huwebes ng gabi sa Tap See Multi-Sports Pavilion.

Nabigo ang first round winners na sina Wally Fernandez at Christopher Flores na maisalba ang Pilipinas nang kapwa yumuko ang mga ito sa kani-kanilang top rank na kalaban sa ikalawang araw ng kompetisyon na bahagi ng Grand Prix meet ng International Badminton Federation (IBF).

Yumuko si Fernandez kay world No. 20 To Bao Chuntal ng China, 11-21, 17-21; habang ginapi naman si Christopher Flores ng seasoned internationalist at fourth seed na si Pang Eric ng Netherlands, 10-21, 13-21.

Si Flores ang ikalawang Pinoy na yumuko kay Pang sa loob ng dalawang araw makaraang gapiin ng world No. 7 si Pinoy No. 1 Kennievic Asuncion sa opening round.

Sa kabilang dako, si Kennie, ang kapatid ng pamosong Asuncion, ay bigo rin sa kanyang unang laban kay Lin Chuan ng Taipei, 21-19, 15-21, 21-23 sa women’s single main draw.

Lumasap din ng matinding kabiguan ang RP Team sa men’s doubles nang matalo sina Arolas Amahit at Lloyd Escoses sa Malaysian duo na sina Thien How Hoon at Boong Heong Tan, 13-21, 8-21; habang ang tandem nina Owen Lopez at Rodel Bartolome ay lumuhod kina Chia Hsin Tsai at Chung Shyan Hu ng Taipei, 21-17, 4-21, 7-21; gayundin ang parehas nina Ian Pencenaves at Jaime Junio na natalo kina Howard Bach at Khan Bob Malaythong ng USA , 4-21, 10-21.

AROLAS AMAHIT

BOONG HEONG TAN

CHIA HSIN TSAI

CHRISTOPHER FLORES

CHUNG SHYAN HU

GRAND PRIX

HOWARD BACH

IAN PENCENAVES

INTERNATIONAL BADMINTON FEDERATION

JAIME JUNIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with