Ikinonekta ni Chris Tiu ang isang triple sa nalala-bing 20.6 segundo ng final canto at naipreserba nila ang kalamangan nang pigilan ng Ateneo ang pagtatangka ni Kenneth Bono sa huling posesyon ng Adamson tungo sa kanilang tagumpay.
Sumulong sa ikatlong sunod na panalo ang ADMU Blue Eagles na siya na ngayong nagso-solo sa liderato matapos iwanan ang walang larong University of the East na may 2-0 kartada.
Sa unang laro, pina-sadsad naman ng Univer-sity of Santo Tomas ang defending champion Far Eastern University sa 90-87 na nagbaon sa Tama-raws sa kulelat na posis-yon.
Nakabawi ang Tigers sa kanilang pagkatalo sa kanilang debut game upang umangat sa 1-1 record katabla ang pahi-ngang University of the Philippines, habang bu-magsak naman ang Adamson sa 1-2 kartada at nabaon ang FEU Tamaraws sa 0-2 kartada.