^

PSN Palaro

Reyes bumigay kay Wu

-
Ipinamalas nina pool legend Efren ‘Bata’ Reyes at reigning 2005 World Pool champion Wu Chia Ching ang kanilang pagiging world’s greatest cue artists sa kanilang pagsagupa kahapon sa 9-ball laban sa mga piling cast ng Asia’s pool elite upang bumandera sa 2006 San Miguel Asian 9-Ball Tour Exhibition leg.

Ang dalawang manunumbok ay kapwa nagpamalas ng kani-kanilang tikas sa finals ng exhibition tournament at nagbigay ng umaatikabong aksiyon sa 9-ball dito sa Asia’s ‘City of Flowers’ sa Guangzhou, China.

Ibinigay ng 2006 San Miguel Vietnam leg champion na si Reyes ang kanyang mahusay na pagsargo sa lamesa na nagpasaya sa mga gigil na gigil na Chinese audience sa Guangdong TV Studio, gamit ang kanyang mga dating taktika, mahusay na pagkontrol sa white cue at pagpasok ng mga bola mula sa left at right corner. Gayunman, nagawang baligtarin ito ng batang si Wu ng kanyang talunin ang mahika ni Reyes sa 9 racks to 5 at ibulsa ang exhibition leg trophy ngayong taon.

Ang naturang exhibition leg ay isang welcome change sa competition format kung saan ang mga players ay pinapayagang mahasa ang kani-kanilang talento at paglalaro ng kani-kanilang estilo sa billiards na wala man lamang nadaramang pressure sa tournament, na nagsilbi ring exciting introduction para sa mga Chinese viewers sa world class 9-ball competition.

Samantala, ang tunay na labanan ay magbabalik sa susunod na buwan kung saan ang 2006 San Miguel Asian 9-Ball Tour ay magpapatuloy sa Kaohsiung, Taiwan sa August 4-6.

BALL TOUR

BALL TOUR EXHIBITION

BATA

CITY OF FLOWERS

EFREN

REYES

SAN MIGUEL ASIAN

SAN MIGUEL VIETNAM

WORLD POOL

WU CHIA CHING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with