Team Europe inagaw ang MVP Cup sa team Asia
July 17, 2006 | 12:00am
Anim sa siyam na puntos na nakalatag ang kinubra ng Team Europe sa huling araw para alisan ng korona ang Team Asia at iuwi ang premyong $60,000.
Binigo nina world No. 10 pair Thomas Laybourn at Kamilla Rytter Juhl ng Denmark ang magkapatid na sina No. 21 Kennevic at Kennie Asuncion sa mixed doubles, 22-24; 21-17; 21-18, at iginupo ni Yao si No. 1 at 2004 Olympic Games gold medalist Zhang Ning ng China sa womens singles, 21-19; 18-21; 21-11, para sa 10-8 panalo ng Team Europe sa Team Asia at kunin ang 2nd MVP Cup kahapon sa Araneta Coliseum.
Tanging si No. 2 Lin Dan ng China ang nakasingit ng panalo para sa Team Asia nang pabagsakin si No. 4 Kenneth Jonassen ng Denmark sa mens singles, 21-13; 14-21; 21-14.
Sa kabila naman ng pagkatalo ng mag-utol na Asuncion, pawang papuri ang ibinigay sa kanila nina Laybourn at Juhl, may 2-0 rekord na sa kanilang head-to-head match up.
"I just think that they are both very talented. They are very quick and focused on the game," ani Juhl kina Kennevic at Kennie. "They had some small rallies in the second and third sets but we were able to quashed that away."
Matapos mabaon sa 5-10 at 15-18, inagaw ng mag-utol na Asuncion ang lamang sa 20-19 at 22-21 patungo sa kanilang 24-22 pananaig sa first set kasabay ng pagdiriwang ni Kennevic.
Ang tig-isang smash naman nina Juhl at Laybourn, kampeon sa Dutch, Danish at European Championships, sa second at third sets ang nagbigay sa Team Europe ng 21-17 at 21-18 win.
"We tried our very best but we lost to a very good team of Laybourn and Juhl," sabi ni Kennie, ang top womens singles player sa Pilipinas.
Ang naturang pagkatalo ng Team Asia, tinalo ang Team Europe, 11-7, sa 2005 MVP Cup sa PhilSports Arena, ay nagbigay sa kanila ng $40,000. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest