"They are all graduates of high school, they are all first-year college," sabi ni head coach Benjie Navarro. "This team put together by coach Sonny is run and gun. They will really run."
Karamihan ng mga manlalaro ay nagmula sa Pampanga, at alam nilang sa laki at karanasan pa lang, medyo dehado sila. Subalit, sa pananaw ng mga kinauukulan, malaki ang kakayahan ng mga manlalaro.
"Management just wants us to keep the scores close," pag-amin ni Navarro. "Basta huwag lang lumayo masyado ang kalaban. The last time we put together a team, we took players out right away, because they couldnt score."
Bagamat nakita na nila ang bangis ng mga kalaban, malakas ang loob ng Lady Bulldogs.
"Sa tingin nila, manalo kami ng dalawang laro, tatlong laro, okay na," sabi ng point guard na si Joice Ramos. "Pero para sa amin, kaya naming pumasok sa Final Four."
"Siguro kailangan lang naming ipakita na kaya namin, at hindi kami mukhang baguhan," paniniwala ng sentro na si Jelline Batnag. "Hindi kami dapat magmukhang hindi namin alam ang ginagawa namin. Determinado kami. Hindi nila iisiping ang baguhan, talunan. Gusto naming ipakita na ang baguhan, puwedeng manalo."
Bagamat nabubuo pa lang ang samahan ng koponan, inaasahan ng Lady Bulldogs na ang kanilang tuloy-tuloy na pag-atake ang magpapanalo sa kanila. At, habang tumatagal, lumalakas ang kanilang kumpiyansa.
"I want this team to be intact up to 2008, 2009," dagdag ni Navarro. "We will certainly keep this team together."
"Manalo, matalo, solid pa rin kami," pahabol ni Christine Ramos, isang point guard. Marami na kaming pagbabagong pinagdaanan. Hindi kami bumibigay. Maganda ang samahan. Handa na kami para sa UAAP."