^

PSN Palaro

54 ang aplikante sa PBA Rookie Draft

-
May kabuuang 54 rookie hopefulls ang nakahabol sa deadline para sa pagpapalista sa Rookie Draft na nakatakda sa Agosto 20 sa Market Market.

Pangungunahan ng two-time UAAP Most Valuable Player na si Arwind Santos ng FEU at NCAA MVP titlist na si Jay Sagad ang mga aplikante.

Kabilang sa mga aplikanteng nais makalaro sa professional league ay ang isang Alexander Davin, isang 5’11 point guard na sinasabing mag-aala-Mark Caguioa.

Noong 2002, may nakapagsabing mahusay si Caguioa na pinatunayan nito sa kanyang pagkapanalo ng Rookie of the Year award.

"Magaling daw pero hindi pa natin alam kung ano ipapakita sa Rookie Camp," pahayag ng player-agent na si Charlie Dy na humahawak din kina Far Eastern University’s Mark Isip at RJ Rizada, Nicole Uy ng San Sebastian College, Harbour Centre Robert Reyes, at Jay-R Reyes ng Welcoat na nag-apply din sa draft.

Ang 27-gulang na si Davin ay anak ng mag-asawang taga-Zambales ngunit inampon ito ng kanyang tiyahin na nakapag-asawa ng Kano.

Ayon kay Dy, darating sa susunod na buwan si Davin na nag-aral sa Zee High School sa New York kung saan siya ang may school records sa steals, assists at 3-pointers.

Pumasok din si Davin sa Dominican College kung saan binigyan siya ng honorable mention sa all-freshmen team. Sa kaagahan ng taong ito, naglaro si Davin sa Norway kung saan nanguna siya sa scoring, assists, steals na naging susi sa pagkopo ng kanyang koponan ng Norwegian championships.

Tatlong Fil-Ams ang nagpalista sa draft na kinabibilangan nina Rob Reyes, Joe Devance at Kelly Williams.

Ang iba pang malalaking pangalan sa mga draft applicants ay sina L.A. Tenorio, Mark Magsumbol, Chico Lanete, Jireh Ibañez at Joseph Yeo. (CVOchoa)

vuukle comment

ALEXANDER DAVIN

ARWIND SANTOS

CHARLIE DY

CHICO LANETE

DAVIN

DOMINICAN COLLEGE

FAR EASTERN UNIVERSITY

HARBOUR CENTRE ROBERT REYES

JAY SAGAD

JAY-R REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with