Pagkatapos nito, pagtutuunan naman ng pansin ng mga RP riders ang kanilang kampanya sa 15th Asian Games na gaganapin sa Doha, Qatar sa December.
"The cyclists are proud of their accomplishment and if they officially make the Team Philippines to Doha, then they would peak just in time," ani national coach Jomer Lorenzo, na inasistihan nina track coach Joselito Santos at Dindo Querimit.
Nakopo ni Paterno Curtan Jr. ang men's points race bronze medal at ang tambalan nina Arnold Marcelo at Alvin Benosa ay pumangatlo sa madison upang iselyo ang kampanya ng mga Pinoy sa prestihiyosong torneong ito na nagdaos ng Round 1 sa Ipoh, Malaysia, noong nakaraang linggo bago ginanap ang Round 2 dito.
Ang Philippine team na ipinadala rito ng PhilCycling na pinamumunuan nina Bert Lina sa tulong ng pondo ng Philippine Sports Commission at suporta ng Air21, Mail and More, Dos-1, Elixir Sports and Trifemme Sports ay nakakuha din ng bronze medal kina Baby Marites Bitbit na nanalo sa women's 500-meter individual time trial at sa individual pursuit sa Ipoh at mula kina Alfie Catalan, Marcelo, Carlo Jasul at Curtan sa men's team pursuit sa Bangkok.