^

PSN Palaro

$100,000 nakataya sa 2nd MVP Cup

-
Kabuuang premyong $100,000 ang pag-aagawan ng mga pinaka-magagaling na badminton players mula sa Asia at Europe para sa pag-hataw ngayong hapon ng 2nd MVP Cup sa Araneta Coliseum.

 Ang Asia ay binubuo nina Lin Dan at Zhang Ning ng China, Taufik Hidayat ng Indonesia, Wang Chen ng Hong Kong, Choon Tan Fook at Lee Wan Wah ng Malaysia, Saralee Thoung-thongkam at Sathinee Chankrachang-wong ng Thailand at sina Kennie & Kennivic Asuncion ng Pilipinas.

Binabanderahan naman nina Kenneth Jonassen at Niels Christian Kaldau ng Denmark ang Europe kasama sina Yao Jie at Mia Audina Tjiptawan ng Holland, Michel Logoz at Robert Mateuziak ng Poland, Gail Emms at Donna Kellogg ng England at sina Thomas Laybourn at Kamilla Juhl ng Denmark.

Sa nakaraang edisyon ng MVP Cup na inilaro sa Philsports Arena sa Pasig City, tinalo ng Asia ang Europe, 11-8, matapos ang tatlong araw na labanan.

Kaagad na makakasagupa ni Lin, ang kasalukuyang world No. 1, Kaldau sa ganap na alas-4 ng hapon para sa unang men’s singles match kasunod ang banggaan nina Zhang at Yao sa women’s game sa alas-5:30.

Magsusubukan naman sa ganap na alas-7:30 ng gabi para sa men’s doubles ang tambalan nina Lee Wan Wah at Choon Tan Fook ng Asia kontra kina Michael Logosz at Robert Mateuziak ng Europe. (Russell Cadayona)

vuukle comment

ANG ASIA

ARANETA COLISEUM

CHOON TAN FOOK

DONNA KELLOGG

GAIL EMMS

HONG KONG

KAMILLA JUHL

KENNETH JONASSEN

LEE WAN WAH

ROBERT MATEUZIAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with