Rematch ng PCU at Letran

Ito na ba ang preview ng championship series?

 Kapwa sumasakay sa kanilang winning streak, magsasalpukan ang nag-dedepensang Letran Col-lege at ang dating kam-peong Philippine Chris-tian University ngayong alas-4 ng hapon matapos ang upakan ng Mapua Tech at College of St. Be-nilde sa alas-2:00 sa 82nd NCAA men’s basketball tournament sa Ninoy Aquino Stadium.

 Sa bisa ng kanilang four-game winning run, nakuha ng Dolphins ang liderato mula sa kanilang 4-1 rekord katabla ang San Beda Red Lions at kasunod ang Knights (3-0), Mapua Cardinals (2-2), Perpetual Altas (2-3), San Sebastian Stags (2-4), St. Benilde Blazers (1-3) at Jose Rizal U (0-4).

 Nagmula ang PCU sa 81-77 panalo kontra sa Heavy Bombers noong Biyernes, habang umiskor naman ang Letran ng 74-70 tagumpay sa naturan ring koponan noong naka-raang Miyerkules.

 "PCU is a very tough team, kaya kailangan tala-ga naming magtrabaho ng doble," sabi ni Knights’  coach Louie Alas sa Dol-phins ni mentor Joel Dua-lan. "Medyo lamang sila sa amin since may mga natira pa sa core nila."

 Umaasa naman si Dualan na maidederetso ng kanyang tropa ang pagratsada sa lima mata-pos mabigo sa kanilang opening game laban sa Mapua, 42-47, noong Hunyo 24.

 "Mataas ang morale ngayon ng team because of our four straight wins. Hopefully, maituloy namin itong ganitong klaseng intensity lalo na against Letran," wika ni Dualan.

 Sa inisyal na laro, pipilitin naman ng Mapua na maideretso sa dalawa ang kanilang kamada, habang hangad naman ng St. Benilde na maka-bawi mula sa isang two-game losing skid. (Russell Cadayona)

Show comments