Walang kamatayang Rocky
July 13, 2006 | 12:00am
Tama ang narinig ninyo: babalik na ang orihinal na "Rocky".
Nakatakdang ipalabas sa ika-22 ng Disyembre o kaya'y Pebrero, 2007 ang "Rocky Balboa" or kilala rin bilang "Rocky 6" o "Rocky VI", ang nawa'y huli nang kabanata sa buhay ng boksingerong si Rocky Balboa, na pinagbibidahan ni Sylvester Stallone. Halos sampung taon nang nasa plano ang pelikula, at tila ngayon lang matutuloy.
Nagsimula ang serye noong 1976, nang nabuo sa isipan ng isang naghihirap na manunulat na nagngangalang Sylvester Stallone ang kuwento ng isang pobre't di gaanong matalinong boksingero. Inilako ni Stallone ang istorya ni Rocky Balboa, na, dahil sa bicentennial celebration ng kasarinlan ng Amerika, napiling labanan ang heavyweight champion ng mundo na si Apollo Creed (Carl Weathers). Sa labang ikinagulat ng marami, halos talunin ng di-kilalang manununtok si Creed (na aminado si Weathers na ginaya niya kay Muhammad Ali).
Noong una, kung sinu-sino ang gusto ng mga studio na gumanap bilang Balboa. Pati ang mga tanyag noon na tulad nila Steve McQueen ay nabanggit. Subalit, ayon sa kuwento, nagmatigas si Stallone na siya ang gaganap na bida. Nabigyan sila ng maliit na badyet, at nabuo ang pelikula. Sa sumunod na Academy Awards, nagwagi ng Oscar ang "Rocky", at naging inspirasyon sa di na mabilang na dami ng boksingero sa buong mundo.
Isa-isa na ring pinatay ang mga karakter sa serye. Wala na si Weathers (namatay sa ring kontra kay Dolph Lundgren), at ang trainer na ginaganapan ni Burgess Meredith. Retirado na rin ang mga ibang kontrabida, tulad ni Mr. T and Hulk Hogan (na paminsan-minsang bumabalik sa professional wrestling).
Marahil handang-handa na si Stallone dahil muli siyang napansin ng madla dahil sa serye niyang "The Contender" at sa mga produktong pangkalusugan na may tatak ng pangalan niya. Sabagay, sa boksing uso talaga ang huling hirit sa mga laos na boksingero, o sa mga "walang career" kung tawagin.
Sa panahon ng mga pelikulang malalaki ang ginagastos, halos $ 10 hanggang $ 20 milyon lamang ang ibibigay kay Stallone para sa buong pelikula. Siya ang magiging prodyuser, writer, direktor at bida. Parang masakit isipin na suweldo pa lang ni Tom Cruise ang halagang binibigay sa kanya. Patunay lang ito na mahina na ang hatak ni Stallone.
Kung tutuusin, ganyan naman talaga ang trato sa mga datihang boksingero. Sino ba ang mag-aalaga sa kanila? Hanggang ngayon, may hinaing pa rin ang mga tulad ni Luisito Espinosa na hindi naririnig ng mga awtoridad, mula Malacañang, lehislatura at hudikatura. At di lamang si Lindol ang nagdurusa.
Ang tanong ba sa kanila'y "What have you done for me, lately?"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended