^

PSN Palaro

Maroons target ang win No. 3

-
Nakatuon ang University of the Philippines sa ikatlong sunod na panalo sa kanilang pakikipagharap sa National University sa pagpapatuloy ng aksiyon sa UAAP men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Nakatakda ang sagupaan ng UP Maroons, ang team-to-beat para sa season na ito, at ng NU Bulldogs sa alas-2:00 ng hapon na susundan naman ng sagupaan ng Adamson University at ng University of Santo Tomas sa dakong alas-4:00 ng hapon.

Hangad ng State U na masundan ang kanilang makapigil hiningang 94-92 panalo laban sa University of Santo Tomas noong Linggo kung saan naging bayani si Marvin Cruz na siyang umiskor ng game-winning jumper.

Sisikapin naman ng Nationals na makabangon sa kanilang 70-75 kabiguan laban sa Ateneo Blue Eagles.

"It was a very big win for the team and I hope we can continue to show what we can do as a team," pahayag ng balik-UAAP coach na si Joe Lipa.

Bukod kay Cruz, sasandal din ang Maroons kina Nestor David, Martin Reyes at ang bagitong si Migs De Asis na nagtala ng 20 puntos, tampok ang 6-for-10 shooting sa triple area.

Sina Edwin Asoro, Dave Catamora, Cyrus Malagueno at Howard Flor naman ang aasahan ng Bulldogs.

Kapwa galing ang AdU Falcons at UST Tigers sa pagkatalo na nais nilang ibaon sa limot.

Sumadsad ang Uste sa Maroons, 92-94, habang natalo naman ang Adamson sa host University of the East, 57-72, sanhi ng kanilang pagtatabla sa 0-1 kartada. (Carmela V. Ochoa)

ADAMSON UNIVERSITY

ATENEO BLUE EAGLES

CARMELA V

CYRUS MALAGUENO

DAVE CATAMORA

HOWARD FLOR

JOE LIPA

MARTIN REYES

MARVIN CRUZ

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with