Nakakatawa pero pumili sila ng players para ilagay sa RP team pero kanya-kanyang excuse kaya hindi rin naisama. Nakita nyo, ganyan-ganyan na lang kung ma-snob ang RP team slots?
Dati-rati, bawat basketball player, eh nagpapakamatay maging miyembro ng RP team. Ngayon, kanya-kanyang iwas.
Ayaw sa coach, ayaw sa sistema, o balewala na lang kasi?
Hay naku....
Bukod sa nanalo si Manny, naging matagumpay din ang TV coverage dahil nag-rate ito ng phenomenal na 87% at yan ay first ever sa Phil. television. Bukod dyan, naipasok din ang lahat ng commercials dahil sa lahat ng undercards hanggang sa laban ni Manny, umabot sa last round ang laban.
Tiba tiba ang ABS CBN sa commercial ad revenues nila. Pero how true, na naging malaki naman ang lugi nila sa gate receipts?
Dahil nga siguro sa pagkamamahal ng presyo ng tickets, malapit na ang araw ng laban eh sangkaterbang tickets ang hindi pa nebebenta. As in libo-libong tickets.
Eh ang lagay naman lumaban si Manny sa isang coliseum na sa baba lang ang laman? Ang ginawa daw, according to whispers, ay pinul-out ang mga tickets sa Big Dome at ipinamigay na lang just to ensure na magiging puno ang Big Dome.
Hindi mo naman masisi ang ABS CBN na itaas ang presyo ng tickets dahil na rin sa naging milyones ang puhunan nila sa laban na ito--- and in dollars! Kung ang lahat ng laban nung araw na yon eh natapos sa first round, natural kakaunting TV commercials lang ang maipapasok sa coverage.
Eh di lalo lang nagkanda-lugi-lugi.
Buti na lang hindi ganun ang nangyari.
Mahigpit na magkakatunggali sa MVP award sina Kerbie Raymundo, James Yap, Enrico Villanueva at Lordy Tugade. Dikit-dikit ang statistical points nila at dahil dyan, lalo nang naging exciting ang labanan na ito. Any one of them should be a worthy MVP.
Magiging very crucial ang boto ng players at ang boto ng media.
Sabi ni Press Corps president Noli Cortez, ibabase nila ang boto sa raw stats, which means hindi isasama ang mga bonus points na stats na nakuha sa won games, sa pagpasok sa semis, etc.
Maganda yang proseso na yan dahil dyan mo lalo makikita ang katotohanan ng stats na yan. Mag-iiba ang figures sa stats kapag nawala ang mga bonus stats na ito.
Last conference eh naging medyo kontrobersyal at maintriga ang media votes. Pero ngayon, Noli is making sure none of these will happen again in the PBA Press Corps.
Mahirap mag-predict sa MVP award. Sa Best Player of the Conference award, I pick Danny Seigle or James Yap. Sa Rookie of the Year, hands down ako for Larry Fonacier. Ang Most Improved Player ko ay si Mark Pingris na naging napakalaki ng pagbabago ng laro nung mapunta siya sa Purefoods from Air 21.
Kaya lang, denial king and queen kasi sila sa tunay na estado ng lovelife nila. As if naman magbabago ang buhay ng mga Pinoy kung aamin sila.
Sa tanong na sino sa palagay nyo ang magtsa-champion sa PBA ngayon, Purefoods o Red Bull?
Sa 265 na bumoto, Purefoods --- 148, Red Bull--- 117.