Sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng edad na 41, kaya pa ring makipagsabayan ni Baylon sa kanyang mga mas batang kalaban ng kanyang gibain ang mga ito sa 81 kg division upang ibulsa ang ginto sa tournament na ito na nilahukan ng 18 bansa mula sa buong Asya.
Mabilis na itinala ni Baylon ang kanyang panalo laban sa Koreanong si Kim Young-Hwan sa finals sa bisa ng ippon sa 12 segundo.
"Everybody was surprised by what he (Baylon) did. That Korean guy is one of the top judoka in his country," wika ni Philippine Amateur Judo Association (PAJA) president Dave Carter.
Nag-uwi rin ang 8-man RP judo squad ng silver medal mula kay Sidney Schwarzkopf, na umangat sa 90 kg class bago yumukod kay Matsumoto Taichi ng Japan sa finals.
Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Gilbert Ramirez (73 kg), Franco Teves (55 kg), Elmarie Malasan (52 kg), Estie Gay Liwanen (57 kg), Lou-Ann Jindani (63 kg), Erika Joy Ponciano (78 kg), at coach Anecia Pedroso.