^

PSN Palaro

Villoria magdedepensa ng titulo laban kay Romero

-
Inihayag na kahapon ni Top Rank Promotions chief Bob Arum ang ikalawang pagdedepensa ni Filipino Brian Villoria para sa kanyang suot na World Boxing Council (WBC) light flyweight crown sa Agosto 10 sa New Orleans Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Makakatapat ni Villoria, may 19-0 win-loss ring record tampok ang 12 knockouts, si Mexican challenger Omar Nino Romero, nagdadala ng 23-2-1 (win-loss-draw) card kasama ang 10 KOs.

Ito ang ikalawang sunod na ipagtatanggol ng 25-anyos na si Villoria ang kanyang WBC light flyweight title matapos igupo si Jose Antonio Aguirre noong Pebrero 18.

Ang 5-foot-4 na si Villoria, lumaki sa Hawaii at tinaguriang "The Hawaiian Punch" sa world boxing scene ang nag-iisang lehitimong Filipino boxer na may world championship belt sa kanyang baywang.

Ang 30-anyos na si Romero ng Guadalajara, Mexico ay No. 13 sa WBC list.

Inaasahan ni Arum na magiging maigting ang labanan sa pagitan nina Villoria at Romero para sa suot na WBC crown ng una. (R. Cadayona)

BOB ARUM

FILIPINO BRIAN VILLORIA

HAWAIIAN PUNCH

JOSE ANTONIO AGUIRRE

LAS VEGAS

NEW ORLEANS HOTEL AND CASINO

OMAR NINO ROMERO

TOP RANK PROMOTIONS

VILLORIA

WORLD BOXING COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with