Ang 30-gulang na 1999 Rookie of the Year ang ikatlong player na tumanggap ng naturang award na hindi nakarating sa finals matapos talunin ang Most Valuable Player candidates na sina James Yap at Enrico Villanueva kasama sina Marc Pingris, Nic Belasco at Dorian Peña na nagpasiklab din sa kumperensiyang ito.
Lumikom si Seigle ng 2,532 points, 1,216 mula sa media votes, 480 mula sa players votes at 400 mula sa four-man committee na kinabibilangan ng mga kinatawan ng Philippine Sportswriters Association, Sports Communicators Organization of the Philippines, ABC-5 at ng PBA Press Photographers, at 436 sa statistics.
Si Yap ay may 1,629, kasunod si Villanueva, 724; Pingris, 654; Belasco, 621 at Peña 400.
Si Seigle ay tinaguriang the Dynamite dahil sa kanyang lakas sa opensiba na siyang susi para makarating sa semis ang San Miguel bago yumukod sa Red Bull sa best-of-seven series, 3-4.
Si Seigle ay nag-average ng 21-puntos sa kanyang huling 19 games at nagtapos na may 24.7 points per game sa 23 matches.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Purefoods Chunkee at ang Red Bull sa Game-Three ng kanilang best-of-seven championship series para sa titulo ng ikalawa at huling kumperensiyang ito.
Taglay ng Giants ang 2-0 kalamangan sa serye. (Carmela V. Ochoa)