Piencenaves, Ledesma singles champs sa JVC Open
July 9, 2006 | 12:00am
Isang makinang na regalo ang ibinigay mismo sa sarili ni Irene Chiu sa kanyang kaarawan ng kanyang talunin si Alma Ledesma, 21-10, 21-12 upang isubi ang ladies singles crown, habang nagposte naman si Ian Piencenaves ng straight set na panalo, 21-9, 21-13 laban kay Christopher Flores at ibulsa ang mens plum ng elite masters ng P1 million JVC Open Badminton Championships sa Glorietta kahapon.
Muling naglabas si Chiu, nagdiwang ng kanyang ika-22 kaarawan noong Miyerkules, ng mahusay na performance ng kanyang kontrolin ang laro sa kaagahan pa lamang bunga ng kanyang power game at matitikas na winners na siyang ginawang sandigan ng RCT Badminton Academy mainstay tungo sa kanyang panalo.
Si Chiu na runner-up kay Kennie Asuncion noong nakaraang taon ay nagbulsa rin ng P35,000 premyo at iba pang gift items mula sa nagtataguyod na JVC Phils.
Galing si Piencenaves, lumaro sa Butuan Badminton Club, mula sa malaking upset three-set win laban sa top seed na si Lloyd Escoses sa semis, ay gumawa rin ng mahusay na performance at pataubin si Flores na nagkaloob sa kanya ng ikalawang tagumpay sa nakalipas na apat na taon makaraang dominahin nito ang 2003 edition ng nasabing event. Nagbulsa rin siya ng P35,000.
Pero ang mas umagaw ng eksena ay sina Francesca Bermejo at Rina Batuigas ng bigyan nila ng lubos na kasiyahan ang mga manonood sa kanilang mahusay na paglalaro kung saan ang dalawa ay kapwa ipinagbunyi ng mga manonood sa bawat pagkana ng iskor at sa bawat pagsalba ng tira.
Tinanghal na winner ang 16-anyos na si Bermejo ng kanyang iposte ang 20-22, 21-15, 24-22 panalo ng ang mahinang backhand ni Batuigas, mula sa Iloilo Valiant Badminton Club ay mapunta sa net na nagbigay daan sa Assumption Colleges net na mapagwgian ang P12,000 at gift items.
Samantala, paglalabanan ngayon ng Philippine Star at Meralco ang corporate crown at top P50,000 purse simula sa alas-12:30 ng tanghali kung saan tangka ng Starmen ang ikalawang sunod na korona sa event na ito na suportado rin ng Bacchus Energy Drink, Lactacyd, Snickers Chocolates, Pioneer Life, LTIME-studio, Lifestyle Watch Store at Alaska.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended