^

PSN Palaro

Point guards

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Sa 2005-2006 season ng Philippine Basketball Association ay malinaw na nagkaroon ng "changing of the guards."

At literal iyon dahil sa ang tinutukoy namin ay mga point guards!

Kapag tiningnan kasi ang statistical race para sa Most Valuable Player award ay makikitang ang mga point guards na nasa Top 20 ay sina Roger Yap ng Purefoods Chunkee Corned Beef, Mike Cortez ng Alaska at Topex Robinson ng Red Bull Barako.

Kaya naman ang tatlong ito ang siyang frontrunners para point guard spots sa Mythical First at Second Teams ng PBA.   

Si Yap ay nasa ikawalong puwesto at may 1,382 statistical points. Dahil siya lang ang point guard na nasa Top Ten, malamang na siya na ang mapabilang sa Mythical Five. Kasi nga’y obligadong magkaroon ng isang point guard sa Mythical Five. Sa statistical race, walang point guard na nakapasok sa Top Five so kahit nasa eighth place si Yap, malamang na iakyat siya doon.

Sina Cortez at Robinson ang maglalaban para sa point guard spot ng Mythical Second Team. Si Cortez ay nasa ika-16 puwesto na may 1,683 puntos samantalang nasa ika-19 puwesto naman si Robinson na may 1,260 puntos.

Ito ang medyo sensitive na issue. Lamang si Cortez kay Robinson subalit hindi naman nakarating sa Finals ng Fiesta Cup at Philippine Cup ang Alaska. Sa kabilang dako ay nagkampeon ang Red Bull sa Fiesta Conference at ngayon ay muling nasa Finals ng Philippine Cup.

Kung gagamiting basehan ang sinasabi ng mga eksperto na ang point guards ang siyang extension ng coach sa hardcourt, aba’y malaking dahilan si Robinson ng pamamayagpag ng Barakos.

Alangan namang dalawang beses na pumasok sa Finals ang Red Bull subalit hindi mapapabilang ang kanilang point guard sa Mythical First o Second teams?

Kaya lang naman siguro lamang si Cortez kay Robinson ay dahil sa mas mahaba ang playing time ng "Cool Cat" sa "Pitbull." Kasi nga, sa kampo ng Red Bull, parang hinahati rin ang oras at tig-20 hanggang 24 minuto lang kada manlalaro. Si Cortez naman ay nag-aaverage ng halos 35 hanggang 40 minuto kada ball game. At ang masaklap ay hindi nga niya nagawang ihatid sa Finals ang Aces.

Katunayan, sa Game Six ng nakaraang Philippine Cup semi-finals sa pagitan ng Alaska at Purefoods ay kumulapso si Cortez. Kumbaga’y hindi niya nakayanan ang pressure sa endgame at sumalengkwang ang Alaska matapos na magmintis siya ng undergoal stab, batuhin ng bola sa ulo ang isang kakampi at ipasa ang bola sa referee sa sunud-sunod na pagkakamali.

Well, tingnan na lang natin ang kalalabasan ng botohan kung sino sa mga point guards ang mapapabilang sa Mythical Team. Isang bagay lang ang tiyak, yung mga ibang beteranong point guards ay naecha-puwera!

COOL CAT

CORTEZ

FIESTA CONFERENCE

FIESTA CUP

MYTHICAL FIRST

MYTHICAL FIVE

PHILIPPINE CUP

POINT

RED BULL

SI CORTEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with