^

PSN Palaro

3 PBA cagers pinagdududahan

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Ang ganda ng laro ng Red Bull at Purefoods sa kanilang Game 1 sa Finals.

Very worthy of their finals slots.

Sino sa tingin nyo ang magtsa-champion–Red Bull o Purefoods?

Tulungan nyo nga kami sa survey.

To vote, type PM (space) NAP (space) inyong sagot at pangalan, at i-send sa 2948 for Globe and Sun subscribers at 3940 para sa Smart subscribers.
* * *
Player of the Game si Kerbie Raymundo pero Very Important Player ko naman si Richard Yee na napaka-ganda ng laro.

Sa Red Bull, okay na sana si Lordy Tugade pero kina-pos ang mga kasama nya down the stretch. Sayang!

Pero napansin nyo ba--ang daming bakanteng upuan sa itaas ng Big Dome?

Mukhang sa baba lang maraming tao pero sa taas, maraming bakante.
* * *
Tatlong magagaling na PBA players ang madalas na pinagdududahan ng mga tao dahil kung kailan kailangang-kailangan, at saka sila hindi maka-deliver sa team nila.

Madalas daw yan mangyari kaya kahit mismong mga fans eh nagtataka rin sa kanila.

Hayan tuloy, wala sa finals ang mga team nila.
* * *
May isang magaling daw na PBA player na magaling nga pero wala namang silbi sa team niya dahil kahit magaling siya, lahat ng teams na pinaglaruan niya eh hindi man lang nakatuntong sa Final Four.

"Magaling nga siya pero dahil sa style niya at sa klase ng paglalaro niya, hinding hindi niya madadala mag-isa ang team niya sa championship. Oo, kahit magaling siya..."

Sabi nga ng isang sportswriter na dating tumutulong sa kanya nung nasa college at PBL pa lang siya, but was dropped like a potato nung umakyat siya sa PBA, "Maaaring sikat siya, pero hanggang dyan na lang siya. He will never make it..."

I agree.
* * *
Personal: Advanced Happy birthday sa mga kaibigan naming sina Angie Isidro ng PSN Accounting office, Kite or Ms. K ng Magandang Umaga Pilipinas at si Mrs. Milagros V. Reyes (MVR) who all celebrate and turn a year older on July 10. Happy birthday!

ADVANCED HAPPY

ANGIE ISIDRO

BIG DOME

CENTER

FINAL FOUR

GLOBE AND SUN

KERBIE RAYMUNDO

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with