Sa kabilang dako, tanging sa mens doubles match lamang natalo ang Meralco laban sa Robin-sons Land Corp. nang mapagwagian nito ang apat na events kabilang na ang huling dalawang mixed doubles na may biyayang 4 points para makumpleto ang 6-1 panalo sa isa pang laban sa semis.
Bunga nito, itinakda ng Phil. Star at Meralco ang finals showdown para sa pangunahing P50,000 sa Linggo simula alas-12:30 ng tanghali.
Hindi naging maganda ang panimula ng Starmen nang yumukod sina Dodie Gutierrez at Jhona Magnaye sa unang mixed doubles match, 19-21, 21-13, 14-21 laban kina May-nard Pasakdal at Elaine Lao.
Ngunit nagsilbing ha-mon ito sa Phil. Star nang pumagitna sina Chester Cordero at Jopet Sison para makuha ang mens doubles at tambalang Annalyn Delgado at Melody Villaceran wo-mens doubles at daigin ang pares nina Albee Benitez-Ricardo Morales, 21-10, 19-21, 21-16, at Yugean Yusikee-Angelita Ramirez, 21-9, 21-12, ayon sa pagkakasunod.
Sumunod, nakipag-tam-balan si Cordero kay Dahlia Santiago para supilin sina Ginalee at Daymiel 13-21, 21-17, 21-18, sa second mixed doubles na nagkaka-halaga ng dalawang puntos para sa 4-1 bentahe.
Hindi na nilaro ng Star-men ang huling mixed doubles para sa iskor na 4-3.
Nauna rito, maghaharap naman sina Francesca Bermejo at Rina Batuigas sa finals ng kababaihan sa elite division makaraang manaig sa kani-kanilang kalaban sa torneong suportado din ng Victor, Bacchus Energy Drink, Lactacyd, Snickers Chocolates, Pioneer Life, LTIME Studio, Lifestyle Watch Store, Alaska, Ayala Center, The Philippine STAR, Accel, Sunbolt, Power-Smash, Pinoy Exchange, SolarSports at Magic 89.9.