^

PSN Palaro

Hectic ang schedule ni Pacman

-
Sa ngayon, abala pa sa buong linggo si Manny Pacquiao. At ito ay inaasahang tatagal pa ng ilang araw.

Sapul nang talunin si Oscar Larios ng Mexico noong Linggo ng umaga, makikita kahit saan ang hard-hitting Pinoy icon na ipinaparada, ipagbubunyi na tila nanalo sa pagkapangulo.

Matapos ang laban, sakay ng kanyang P3M Dodge van, dinala ito pabalik sa Manila Hotel na isang two-bedroom suite at puno ng miyembro ng pamilya, malapit na kaibigan at ilang tagasubaybay.

Matapos magpahinga ng ilang oras, nasa kalye na naman si Pacquiao at pumarada naman sa Baywalk sa Roxas Blvd. at bumalik ng hotel para magpahinga bago maghatinggabi kasama naman ang asawang si Jinkee at anak na sina Michael at Jimwell.

Ilang saglit naman, nagtungo ito sa Malakanyang para naman sa courtesy call kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kasama ang isa pang boxer na si Jimrex Jaca.

Kinagabihan, nagbigay ng party ang ABS-CBN at pagkatapos ay nagtungo pa sa Makati Coliseum kung saan lumaban ang kanyang manok sa 4-cock derby.

Kahapon, lumabas ito sa noontime show na ‘Wowowee’ at kumanta ng kanyang "Laban Ko, Laban Mo’.

Sumunod nito nagtungo ito sa kanyang opisina sa Manny Pacquiao Promotions sa Ortigas at pagod na pagod nang sagutin ang isa sa kanyang apat na cell phone nang kontakin ng isang writer.

Nakatakda din itong lumabas sa "Magandang Umaga Pilipinas’ ngayong alas-5:30 ng umaga.

At isang tawag mula naman kay San Miguel Corp. executive officer Serge Alombro ang natanggap na nagsasabing may party din sa SMC office sa Ortigas na tinguraing "Magpapainom si Manny’ na tampok sa kanyang SMB commerical.

Bukas nakatakdang umuwi ng GenSan ang boksingero.(ACordero)

vuukle comment

JIMREX JACA

LABAN KO

LABAN MO

MAGANDANG UMAGA PILIPINAS

MAKATI COLISEUM

MANILA HOTEL

MANNY PACQUIAO PROMOTIONS

MATAPOS

OSCAR LARIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with