Ikatlong V-League title pinana ng Lady Archers
July 3, 2006 | 12:00am
Nakabangon ang De La Salle University mula sa unang set na kabiguan at hatakin ang kapana-panabik na come-from-behind 18-25, 27-25, 25-23, 25-20 panalo laban sa San Sebastian at isukbit ang ikatlong sunod na titulo sa V-League na ipiniprisinta ng Shakeys sa Blue Eagle Gym.
Pinatunayan ni Manilla Santos, napiling Most Improved Player ng liga, ang kanyang karangalan nang tabunan nito ang kakulangan ng injured na Thai import na si Jindarat Kanchana, na may 26 hits, kabilang na ang 22 sa kills nang walisin ng Lady Archers ang kanilang best-of-three series, 2-0.
"Its our heart that won it, the players just never gave up," ani La Salle coach Ramil de Jesus, matapos igiya ang Lady Archers sa kanilang ikatlong sunod na tagumpay sa event na hatid ng Shakeys Pizza at inorganisa ng Sports Vision.
Si Kanchana, na hindi nakalaro sa apat na laban dahil sa knee injury, ay nagpakawala ng 19 puntos at akmang hits sa ikatlong set na naging susi ng tagumpay ng Taft-based school, na na-sweep ang Lady Stags sa opener, 25-23, 25-13, 25-22.
Hindi naging sapat ang 17 point na pagsisikap ng Thai import ng Lady Stags na si Jaroensri Bualee, na umiskor ng 34 hits kabilang na ang 31 sa atake sa kanilang opener.
Pinigil ng solidong net defense ng La Salle si Bualee at kumpletuhin ang three-peat sa event na suportado din ng Accel, Mikasa, Aqua-best, VFresh, ABC-5 at ABC Sports.
Gayunpaman, nasungkit pa rin ni Bualee ang finals MVP award.
Nauna rito, napagwagian ni Adamsons Cherry Macatangay ng Adamson ang dalawang individual title kabilang na ang MVP award.
Ang iba pang individual winners ay sina Desiree Hernandez ng La Salle (best attacker), Michelle Laborte ng Ateneo (best blocker); Ma. Concepcion Legaspi ng Lyceum (best server), Margarita Pepito ng San Sebastian (best digger), Reiea Saet ng La Salle (best setter), at Shermain Peñano ng La Salle (best receiver).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended