^

PSN Palaro

Purefoods pasok sa finals

-
Kinumpleto ng Purefoods ang come-from-behind win sa serye upang makapasok sa finals ng Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup matapos ang 90-89 panalo sa deciding Game-Seven ng semifinal series sa punumpunong Cuneta Astrodome kagabi.

Matagumpay na nakabangon mula sa 1-3 deficit sa best-of-seven semifinal series ang Purefoods na kumuha ng ikatlong sunod na tagumpay para maging ikatlong team na nakabangon mula sa 1-3 sa serye bukod sa Ginebra at Shell para angkinin ang unang finals berth.

Makakaharap ng Purefoods sa best-of-seven championship series, ang mananalo sa pagitan ng San Miguel at Red Bull na kasalukuyang naglalaban sa do-or-die game ng kanilang sariling semis series.

Umabante na ng 13-puntos ang Purefoods sa 85-72 papasok sa huling 5:06 minuto ng labanan ngunit hinayaan ng Purefoods na maupos ang kanilang bentahe.

Gumawa ng malaking rally ang Aces sa pamamagitan ng 13-3 run upang makalapit sa 85-87, 37 segundo na lamang. (Carmela Ochoa)

CARMELA OCHOA

CUNETA ASTRODOME

GAME-SEVEN

GINEBRA

GRAN MATADOR BRANDY

GUMAWA

PHILIPPINE CUP

PUREFOODS

RED BULL

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with