Naglatag ang Lady Archers ng two-three player defense sa power-hitting na si Bualee, na may average na 20 bago ang finals ngunit nalimita lamang sa 17 ngayon.
Bagamat bigo ang Thai import ng La Salle na si Jindarat Kanchana na binabagabag ng knee injury, sa duelo ng mga imports, hindi naman nagpabaya ang lokal na pambato na si Desiree Hernandez, two-time UAAP MVP, na lumaro ng nasa porma kasama sina Michelle Datuin at Manilla Santos para sa solidong laban at straight set win sa event na ipiniprisinta ng Shakeys Pizza.
Nag-ambag ng 12 hits si Hernandez habang ang magandang si Santos naman ay nakipagtambalan kay Datuin sa kanilang naitalang 9 at 8 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Tangka ng De La Salle ang korona sa Game Two ng kanilang best-of-three ngayong alas-2 ng hapon pagkatapos ng paggagawad ng individual awards sa ganap na ala-una ng hapon.
At kung aabot sa Game Three, ito ay ilalaro sa Martes.
Nauna rito, nagpaulan si Cherry Rose Macatangay ng 30 hits nang pabagsakin ng Adamson ang Lyceum, 18-25, 25-18, 25-15, 25-19, at makopo ang ikatlong puwesto sa event na inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Accel, Mikasa, Aquabest, VFresh, ABC-5 at ABC Sports.