Sinabi kahapon ni Cojuangco na hindi na dapat idinaan ni Go sa pahayagan ang kanyang mga alegas-yon laban kay Ramirez.
"Walang problemang hindi puwedeng pag-usa-pan," sabi kahapon ni Co-juangco, nagmula sa United States para sa kanyang proyektong pagsanayin ang ilang atleta sa pangangalaga ng ilang Fil-Am business-men. "Thats always been my way of doing things."
Ilang isyu ang lumabas kontra kay Ramirez kung saan inihayag nitong si Go ang siyang nagsasagawa ng isang demolition job laban sa kanyang administrasyon.
"Puwede naming pag-usapan lahat eh, puwedeng ayusin if everybody has one objective, and that is to promote sports in the Philip-pines," ani Cojuangco.
Kinatigan rin ni POC chairman Robert Aventajado ang pahayag ni Cojuangco pabor kay Ramirez.
"Mas tinitingnan ko yung bigger issue because the bigger issue here is the preparation for the Asian Games," sabi ni Aventajado kontra sa ginagawa ni Go. "This matter has to be resolve because it can be an impe-diment to the campaign to win as many medals as possible for the country."
Nakatakda ang 15th Asian Games sa Doha, Qatar sa Disyembre 1-15. (Russell Cadayona)